Pagbabahagi ni Wenquazar Aziz Julhiji, Peace Program Officer II, nito lamang September 19 nagsimula ang kanilang operasyon sa lalawigan at marami na rin ang nagtungo sa kanilang tanggapan upang makapag-apply para sa nasabing programa.
Hinikayat naman ni Khadija Sakaran, Administrative Officer IV, ang mga miyembro ng MNLF na siyang target nila dito sa Sulu na mag-avail ng amnesty program ng pamahalaan upang malinis ang kanilang pangalan ay nang makapamuhay muli ng normal lalo ngayon tuloy-tuloy ang kapayapaan na natatamasa ng probinsya.
Binigyang diin nito na sila lamang ang tutulong sa pag-proseso sa aplikasyon ng kanilang kliyente habang ang magagawad ng amnestiya sa isang kwalipikadong indibidwal ay nakamandato sa pangulo ng bansa.
Sa mga magtutungo sa NAC LAB Sulu na layong mag-avail ng programa ng pamahalaan, ayon kay Jul-Fradzmee Estino, Admin Assistant III, maaring dalhin lamang ang kanilang ID, certificate at iba pang dokumento na magpapatunay na sila ay miyembro ng MNLF. Matatagpuan ang opisina ng NAC LAB – Sulu sa unang palapag ng SSC Hostel, Capitol Site, Bangkal, Patikul, Sulu.”
###
#BagongBuhaySaMapayapangBagongPilinipas


